Nakakaawa naman si Lolo |Dahil sa estadø ng pwesto, walang bumibili sa panindang lugaw ni Lolo kahit araw-araw siyang nagtitinda at nagluluto

 Dito sa ating mundong ibabaw may tatlong uri tayong estado ng buhay ng isang tao ito ay tinatawag na mayaman, may kaya o di kaya ay mahirap. 


Kung ikaw ay kumakain ng tatlo (3) beses sa isang araw , may bahay na inuuwian , may sinasandalan sa tuwing nangangailangan at buo ang iyong pamilya, ikaw ay maswerte na.

Ngunit kung may maswerte ay mayroon din naman na hindi sinuwerte sa buhay, walang masasandalan , kapos sa buhay at walang ma uuwian.

Tulad na lamang ng isang netizen na nag bahagi ng isang kalagayan ng isang lolo na nagtitinda ng lugaw para lang makaraos sa araw-araw.

Ibinahagi ng netizen na si Max Udomsak taga Bangkok, Thailand ang kalagayan ng isang matandang nagbebenta lamang ng lugaw sa araw-araw.

Ngunit ito lamang ay kumikita ng 34 pesos sa isang araw.

Ang lugaw na kanyang ibinebenta ay umaabot sa halagang 34 lamang at 40 naman kung may kasama itong itlog.

Inaabot na si Lolo ng ilang oras bago makabenta madalas pa nga daw na ito ay walang benta dahil wala sa kanyang gustong bumili.

Ang tanging tinitirahan ni Lolo ay sa abandunadong bahay, dahil nasunog daw noon ang kanyang bahay.

Dahil sa kawalan ng pera ay hindi na niya kayang umupa ng isang bahay dahil wala sa kanyang tumutulong kaya naman gumamit nalamang siya ng trapal at tarpaulin ng sa gayon ay hindi siya mabasa at magsilbing harang at proteksyon niya sa kanyang pagtulong tuwing umuulan. 

Nagsisimula si Lolo magtinda ng kanyang lugaw mulang alas tres ng madaling araw hanggang sa sumapit ang gabi. Sa kanyang pagtitinda naman ay may bumibili kaya lang ay madalas ay wala. 

Dahil sa may mabubuting loob na netizens ibinahagi ang litrato ni Lolo para marami ang tumulong sa kanya lalong lalo na sa paninda nito.

Hindi lang daw sa nakakaawa ang matanda bagkus masarap daw talaga ang lugaw na ibinebenta nito.

Sa post na ito ni Max, Marami ang tumulong kay lolo at ang iba pa nga ay nagpupunta doon para kumain ng lugaw.



Comments

Popular posts from this blog

BATA, NAPASUKAN NG GARAPATA NG ASO SA TENGA! ANG GARAPATA, SA TENGA PA NIYA NANGITLOG! #KMJS