Nakakaawa naman si Lolo |Dahil sa estadø ng pwesto, walang bumibili sa panindang lugaw ni Lolo kahit araw-araw siyang nagtitinda at nagluluto
Dito sa ating mundong ibabaw may tatlong uri tayong estado ng buhay ng isang tao ito ay tinatawag na mayaman, may kaya o di kaya ay mahirap. Kung ikaw ay kumakain ng tatlo (3) beses sa isang araw , may bahay na inuuwian , may sinasandalan sa tuwing nangangailangan at buo ang iyong pamilya, ikaw ay maswerte na. Ngunit kung may maswerte ay mayroon din naman na hindi sinuwerte sa buhay, walang masasandalan , kapos sa buhay at walang ma uuwian. Tulad na lamang ng isang netizen na nag bahagi ng isang kalagayan ng isang lolo na nagtitinda ng lugaw para lang makaraos sa araw-araw. Ibinahagi ng netizen na si Max Udomsak taga Bangkok, Thailand ang kalagayan ng isang matandang nagbebenta lamang ng lugaw sa araw-araw. Ngunit ito lamang ay kumikita ng 34 pesos sa isang araw. Ang lugaw na kanyang ibinebenta ay umaabot sa halagang 34 lamang at 40 naman kung may kasama itong itlog. Inaabot na si Lolo ng ilang oras bago makabenta madalas pa nga daw na ito ay walang benta dahil wala sa kanyang guston